“Ang sakit, kapag, inalagaan, lumalala. Hangga’t maaga, inuman mo na ng gamot.”
May sakit ako. Ilang linggo ko na rin tong tinitiis. Wala akong pinagsasabihan. Akala ko kasi mawawala, hindi pala. Tapos, narinig ko to kanina na sinabi ng dyipni drayber dun sa kausap nyang pasahero nung papunta ako dito sa boarding house.
Oo nga naman. Kailangan na inuman ng gamot tong sakit na nararamdaman ko, or else, baka lumala ito.
Sobrang nahihirapan na ako sa totoo lang. Masakit sa loob ko na hindi makapagbigay kapag naghihingi sa akin mga kapatid ko. Masakit sa loob ko na sabihin kay Jerico na i-Promissory Note muna nya yung half ng tuition nya, tapos hayaan nya lang ako dumiskarte para mabayaran yun bago mag-announce ng release ng permit para sa mid-terms. Ang hirap. Sabay sila ni Maan. Parehong malaki ang tuition nila, tapos pareho silang sa Manila pumapasok kaya kelangan ng medyo malaking baon: pamasahe at pang-lunch. Hindi pa kasali dun yung mga incidental na gastos gaya ng photocopy o di kaya mga biglaang dapat bayaran. Alam ko yung feeling nila pareho. Napagdaanan ko yun nung college ako eh. Alam ko yung feeling ng pumapasok ka ng certain amount lang yung pera mo, hindi ka pwedeng maging shunga sa pag-commute or else, mababawasan yung pangkain mo (or worse di ka makakain), at hindi ka pwedeng gumastos ng hindi mo isasa-alang alang ang pamasahe mo pauwi.
Sila Papa at Ate naman na ang bahala sa pang-araw-araw nung dalawa, pero gusto ko makatulong din ako sa pagbigay sa kanila nun. Hirap sila, dama ko yun. Ate ko sobrang liit na lang ng sweldo, isinasakripisyo pa yung kakarampot na yun para sa dalawa. Sa aming tatlo kasi nila Papa at Ate, ako yung may pinakamalaking sweldo, pero hindi pa rin sapat yung combined sweldo naming tatlo para matustusan ng maayos yung pangangailangan nung dalawang estudyante namin.
Gusto ko silang mabigyan ng maginhawang buhay-estudyante. Yung wala silang iisipin kundi mag-aral nang mabuti. Ayokong pati sila po-problema-hin kung saan sila kukuha ng pambayad sa mga kung anu-ano sa eskwela. Panigurado, ganito din ang gusto ng Ate at ni Papa para sa kanila.
Alam ko naman yung solusyon sa problema kong to eh. Lumipat ng trabaho – yung may mas malaking offer. Isa to sa mga kinaiinisan ko sa sarili ko. Hindi ko maiwanan yung trabaho ko ngayon. Eto na yung kinatatakutan ko dati pa – yung sobrang ma-in-love ako sa trabaho at magpaka-tanga. Tuwing nagkukwentuhan kami ni Mamon tungkol dito, lagi nya akong nasosopla. Tatlong taon na ko sa kumpanyang to, isang beses pa lang akong na-promote. Dalawang beses na akong nag-expect, dalawang beses din nadurog ang puso ko. Sabi ko last year, baka sa susunod, ma-promote na ko. Mataas ang performance rating ko kaya sigurado ako dun. Pinanghawakan ko din kasi yung sinabi ng boss ko. Ang mali ko, masyado akong umasa. Nadisappoint tuloy ako.
Ngayon, determinado na akong humanap ng malilipatan. Feeling ko kasi, hindi naman naa-appreciate yung efforts ko sa trabaho. Wala yung inaasam-asam kong promotion this year. Nakakawalang-gana tuloy magtrabaho. Ito rin yung isa sa mga reason kung bakit tamad na tamad akong pumasok sa opisina lately. Dati, madalas akong late umuwi. Inaayos ko na kasi agad yung mga para sa transactions ko kinabukasan at nagfa-file ako ng mga documents. Bukod sa ayokong natatambakan ng mga dokumento sa area ko, gusto ko syempre na maayos ang filing ko para pag may hinanap sa akin, makikita agad kahit wala ako sa office.
Hindi nga naman yun nakikita ng HR. Ang nakikita nila, yung mga late ko. Wala naman ako laban dun eh. Sa amin kasi, regardless of the minutes, basta naka-apat na late ka sa isang buwan, memo agad. Ang nakakapikon, yung madalas kong late eh puro one minute!!!!! Buset!
Tinatakbo ko lagi ang walkway para umabot, pero hindi pa rin.
Kaya ngayon, I have learned my lesson. Wala na kong balak mag-stay ng beyond 6:30PM sa opisina. Tutal naman hindi ako nagfa-file ng OT. Hindi na rin ako masyado magiging mabait. Hindi na ako tatanggap ng mga pasuyong trabaho gaya ng paggawa ng pakisuyong spreadsheet galing sa ibang branch. O galing sa ibang Account Officers. Mas malaki sweldo nila, gawin nila yun. Ang akin na lang ngayon, kung ano ipagawa sa akin ng AO ko , yun na lang. Kung ano trabaho, yun na lang. Napapasama kapag nage-extend ako ng tulong. Ako yung maraming trabaho tapos yung iba ang aga nakakauwi kasi binigay na sa akin yung trabaho nila.
Good luck sa akin sa paghahanap ko ng bagong trabaho. It’s about time naman na siguro. Alam kong nagpaka-tanga ako nung hindi ko tinanggap yung malaking oportunidad na dumating two months ago kasi masyado akong natakot. Hindi ako nagtiwala sa sarili ko na kaya kong umalis sa comfort zone ko. Ngayon, eto, pinagsisisihan ko ang naging desisyon kong huwag umalis. Sila lang naman ang nakinabang sa desisyon ko, hindi man lang ako nabigyan ng merit increase (ito talaga ang ikanabu-buset ko). Feeling ko tuloy napaka-loser ko.
Kanina, ito naman yung pinag-usapan namin ni Mamon. Lagi na lang daw ako nagrereklamo, wala naman daw ako ginagawa para mapabuti ang lagay ko. Kaya eto, gumagawa ako ng konkretong plano. Sana lang gumana. Sana um-epekto. Sana yung naiisip kong gamot, e tumalab sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
About Me
Popular Posts
-
There is no better time than now , I said. I spoke with my manager and told him I was absolutely sure about my decision and that I intended ...
-
“Ang sakit, kapag, inalagaan, lumalala. Hangga’t maaga, inuman mo na ng gamot.” May sakit ako. Ilang linggo ko na rin tong tinitiis. Wa...
-
I wish there was a time machine so I could undo this one decision that affects my life perpetually, other times, I'm good with it especi...
Labels
2008
2011
2014
2015
2016
2020
2021
2023
2024
2025
adulting
Ana
arts
BACKPACKING
birthday
books
Boracay
calligraphy
christmas
college
corona virus
covid
digital art
dreams and aspirations
family
feasib
Friends
Fun Day
heart
illustration
invitation
KAI
life
motherhood
motivational
MSCI
pandemic
Papa
PH
procreate
quotes
reading
RoxDab
ROXDABSTUDIO
self
SOUTHEAST ASIA
summer
thoughts
travel
VIAJESOLA
wedding
work
writing
xannekarl
Creative Commons

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.

1 Comments:
Limang na beses na akong humingi ng job offer na akala ko ay di ibibigay ng kumpanya. Tatlong beses na akong nagulat na kumagat ang tatlong kumpanya sa akin. Mayayaman ang mga kumpanya. Barya lamang sa kanila ang malaking halaga para sa isang taong magaling at may malaking maitutulong.
Sa susunod na tanungin ang asking mo, mas lakihan mo pa kaysa doon sa pinalampas mong job offer. Doble ang hingin mo, at the very least. Seryoso ako. Doble as in doble. Kung 30k ang sweldo mo ngayon, humingi ka ng 60k. Huwag kang kumurap kapag sinabi mo ang halaga. Huwag kang tumawa o mawalan ng kumpiyansa. Barya lang ang 60k para sa taong magaling.
Basta humanda ka lang lumabas ng comfort zone at magpakasasa sa susunod mong trabaho. Kung para naman sa mga kapatid mo, bakit hindi, diba?
Isa pa, kapag nakalabas ka na sa comfort zone mo, malalaman mong hindi naman pala ganoon kahirap sa bagong zone. Kaya pa rin naman pala ng isang tao.
Huling-huli, huwag mo sana baguhin ang attitude mo sa trabaho. Magpakasipag ka lang. Huwag mong hayaan na mahila ka pababa ng mga nangyayari sa iyo. Maraming bosses sa malalaking kumpanya ang mas nagpapahalaga sa attitude kaysa sa abilidad. Ang abilidad kasi naituturo, ang attitude hindi.
Good luck! Sana mahanap mo ang gamot.
Post a Comment