19 November 2011

Gusto kong maintindihan mo na bukod sa mundong me...

Gusto kong maintindihan mo na bukod sa mundong meron tayong dalawa, may sarili akong mundo. May mga kaibigan ako na gusto kong makita paminsan-minsan at makasama. Hindi lang ikaw ang gusto kong makasama/makita/makausap/makakwentuhan araw-araw dahil hindi rin healthy yun para sa ating dalawa.

Sana maintindihan mo na para akong ibon, gusto kong lumipad ng malayo, matayog. At hindi nakakatulong kung ilalagay mo lang ako sa kulungan dahil kailangan kong mag-improve bilang tao.

Marami akong pangarap at hindi ako mangingiming magpaalam sayo upang tuparin lahat yon, kung yun lang ang paraan.

0 Comments: