23 August 2012

Pasulong

Habang may panahon pa.

Habang kaya pang ihakbang ang mga paa patungo sa landas ng mga pangarap.

Habang kaya pang bumangon, sakaling magkamali ng hakbang at matumba.

Habang nariyan pa ang mga kapamilyang makikinig sa lahat ng palahaw at paglalaanan ng mga tagumpay.

Pasulong lang; maniwala kang pagkatapos ng lahat ng mga hakbang na ginawa, makakamit mo rin ang lahat ng iyong inaasam.

1 Comments:

Unknown said...

Ano ang ibig sabihin ng palahaw?