31 May 2014

MOVE


Yan yung sinasabi ko sa sarili ko last year. Kailangan kong mag-move. Kailangang may gawin ako para hindi ako ma-stuck sa kinalalagyan ko, para hindi puro negativity ang naiisip ko. And I did. I moved.

May 2013 nang may dumating na opportunity. Hindi ko ito hinanap – kasi ito yung mga panahong medyo dinefer ko muna dahil enrolment season at mahirap mawalan ng trabaho (at ng sweldo). Nung makatanggap ako ng invitation, nag-try ako kahit wala akong idea kung anong company ba itong nakahanap sa akin sa Jobstreet. Wala namang mawawala sa akin kung ita-try ko; besides, paano tayo mananalo ng jackpot kung hindi tayo tataya, di ba?

Isang buwan ang lumipas mula nung unang interview ko – at ilang rounds ng interview pa ang dumaan – nang makatanggap ako ng offer. Yung offer na hindi ko lubos maisip na darating pa sa akin. Yung offer na pinapanga-pangarap ko. Tinanggap ko syempre, at unang beses na nagpasa ako ng resignation letter. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nabunutan ng malaking spear sa dibdib. Na-excite ako sa naghihintay sa akin na bagong mundo. Isang buwan pa ang lumipas at nagsimula ako sa bago kong trabaho. Nakakilala ako ng mga bagong tao, kumapa ng bagong proseso, nakisama, natuto.

Isang taon na halos ang dumaan. Ang dami nang nangyari. Ang dami kong bagong kaibigan. Bagong karunungan. Bagong paningin sa mundo. Marami nang bagong memory.
Habang binabalikan ko lahat ito, naisip kong kung hindi siguro ako naglakas loob noon, malamang rant pa rin itong entry ko. Malamang problemado pa rin ako. Pero salamat talaga at dinidinig ng nasa itaas yung mga panalangin. Salamat din sa mga taong sumuporta at nag-encourage para maka-move forward ako.

MOVE.
 
Yan pa rin naman ang sinasabi ko sa sarili ko hanggang ngayon. Hindi pwedeng complacent. Hindi pwedeng pepetiks petiks. I have to move and work hard. I have to move to learn more and impart these learnings. I have to move to inspire. I will not stop moving, gaya ng hindi ko pagsuko noong mga panahong nasa ibaba ako. I will continuously move.

0 Comments: