11 February 2008

Paano Patayin ang Puso?


Itali….
Igapos ng mahigpit
Huwag hayaang pumintig
Pigilin ang init
Nang hindi magdikit
Ang alab ng pagibig
Hindi dapat manaig
Puso'y dapat maumid
Bibig nito'y ipipinid.


Ikulong….
Huwag hayaang makatakas
Bantayan ng madalas
Di dapat nakabukas
Sa ibang puso'y ikakalas
Panghihinaan ng lakas
Nang hindi na makayanan pang
Umibig ng walang kupas.

Tadtarin ng pinong pino….
Nang hindi na tumibok o pumintig
Upang hindi na matutong umibig
Upang hindi na masaktan at umiyak
Upang maging manhid sa pagliyag.


Bakit ko naman papatayin ito?
Kaysarap yatang magmahal
Kahit na masaktan,
Sa paggiliw ay kasama yan.
May kulay ang kapaligiran
Basta't nagmamahal lamang.

0 Comments: