Sa tuwing tinitingnan
ang mga kamay, hindi
maiwasang pansinin
ang puwang sa pagitan
ng mga daliri.
Hindi lang iilang beses
tinanong kung bakit may ganito,
Bakit may espasyo?
Naisip ko tuloy ang tao.
Kahit anong lapit ng loob,
kahit ibahagi ang sugat
na kubkob, mga damdaming
marubdob, kahit ilang
beses makipaglapit---
may maglalayo paring pilit.
Parang tayo.
Kahit nais kong kumapit
sa iyo, prinsipyo nati'y nagtatalo.
Kahit may dahilan
ang paglalapit,
gayundin karami
ang dahilan ng paghihiwalay---
ito ang sumusugat sa
aking malay.
Kaya sa tuwing tinitingnan
ang mga kamay,
hindi maiwasang
pansinin, sisihin,
ang espasyo sa pagitan
natin.
Noong Enenro 30 ko ito ginawa pero, ngayon ko lang nai-post dito. May mga kailangan pang i-edit. Kailangan pang ayusin ang reasoning sa tula. Pati ang paghahalintulad.
Salamat, PinoyPoets. Asahan ninyong magbibigay ako ng edited na kopya nito.

0 Comments:
Post a Comment